Lunes, Abril 10, 2023

Pananghalian

PANANGHALIAN

tarang mananghalian
may tatlo tayong okra
sinaing na tulingan
at talbos ng kangkong pa

mga simpleng pagkain
talagang pampalusog
dito'y magsalo na rin
upang kita'y mabusog

kaysarap pag may gulay
na laging inuulam
diwa'y napapalagay
pati na pakiramdam

ang patis ng sinaing
sa kanin ko'y sinabaw
ramdam kong gumagaling
ang mata ko't pananaw

- gregoriovbituinjr.
04.10.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Narating ko na ang Level 6666

NARATING KO NA ANG LEVEL 6666 ‎ ‎apat na digit, iisang numero ‎apat na six na ang level na ito ‎pag tatlong six, numero ng diyablo ‎apat na ...