umuulan-ulan, umaambon-ambon kahapon
subalit kayganda ng pagsikat ng araw ngayon
at nawa'y ulanin ang maalinsangang maghapon
nang madiligan din ang mga tinanim na iyon
kaysarap ulamin ng pinatubong alugbati
laga man o ginisa'y makadarama ng ngiti
upang mukhang marami, sanga'y pinaghati-hati
ngunit paumanhin kung sa lasa'y napapangiwi
patuloy pa rin ako sa paggawa ng ekobrik
sapagkat nakapagtipon ng isang linggong plastik
paggugupit-gupiting maliit at isisiksik
sa di pa sintigas ng batong boteng inekobrik
habang may coronavirus pa sa sandaigdigan
at mga tao'y nasa kani-kanilang tahanan
isang tula para sa araw ng kapaligiran
ang kakathain ko, ngayon nga'y pinagninilayan
- gregbituinjr.
06.04.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Dinastiya, wakasan!
DINASTIYA, WAKASAN! tama si Mambubulgar sa kanyang ibinulgar isang katotohanang masa ang tinamaan ang inihalal kasi ng maraming botante ay m...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
MALIGAYANG IKA-82 KAARAWAN PO, DAD Dad, maligayang kaarawan po pagbati nami'y mula sa puso buong-buo't tigib ng pagsuyo pagmamahal y...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento