Martes, Enero 20, 2026

Tungkulin

TUNGKULIN

tungkulin ng bawat mandirigmâ
bakahin ang burgesya't kuhilâ
ipaglaban ang obrero't dukhâ
at ang bayang api'y mapalayà

bawat isyu ng madla'y mabatid
di manahimik o maging umid
ipagtanggol ang mga kapatid
laban sa kaapihang di lingid

tungkulin ng lider-maralitâ
ang umugnay, makaisang diwà
ang inaapi't nagdaralitâ
dahil sistema'y kasumpâ-sumpâ

niyayakap ang bawat tungkulin
na pinagpasyahang tutuparin
makauring prinsipyo'y baunin
hanggang asam na hustisya'y kamtin

tungkulin din ng bawat makatâ
isyu ng masa'y tipuning sadyâ
pagbaka'y ilarawan sa akdâ
sanaysay, kwento, nobela't tulâ

- gregoriovbituinjr.
01.20.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tungkulin

TUNGKULIN tungkulin ng bawat mandirigmâ bakahin ang burgesya't kuhilâ ipaglaban ang obrero't dukhâ at ang bayang api'y mapalayà ...