Magbasa-basa habang nasa lockdown
magbasa-basa habang tayo'y nasa kwarantina
magbasa ng tula, kwento, sanaysay at nobela
magbasa ng akda ni Edgar Allan Poe't iba pa
magbasa rin ng mga pilosopiya't teorya
mag-ehersisyo muna sa umaga pagkagising
at pagkatapos ng gawaing bahay ay magsaing
mag-sudoku muna bago o matapos kumain
sunod ay magbasa ng dyaryo, aklat o magasin
huwag sayangin ang oras sa walang katuturan
tulad ng inom, at pamilya'y napapabayaan
magbasang tila may himagsikang paghahandaan
patalasin ang isip ng maraming kaalaman
magbasa rin ng iba't ibang nobelang klasiko
basahin mo rin ang iba't ibang kwento't soneto
mga tula ni Shakespeare ba'y nauunawaan mo
magbasa-basa pagkat nasa lockdown pa rin tayo
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Krosword na malinis
KROSWORD NA MALINIS krosword na malinis ay kaysarap sagutan sa pagtingin pa lang, iyong mararamdaman sa maruming krosword parang napilitan l...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento