AYOKO NG RUTIN
ayoko ng rutin tuwing umaga
na dapat ay nagkakape ka muna
di ba pwedeng ako'y magbasa-basa
o kaya naman ay agad maglaba
sikmura ba muna'y paiinitin
o nabimbing gawa'y agad harapin
di ba pwedeng langit na'y tingalain
upang sa ulap, kataga'y hanapin
ang mahalaga'y magkaunawaan
upang di naman nagkakatampuhan
anumang nais ay pahalagahan
upang pagsasama'y pangmatagalan
mabuti pang ako'y iyong kurutin
basta ayoko ng anumang rutin
- gregbituinjr.
Lunes, Hulyo 1, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Payò sa tulad kong Libra
PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
SONETO SA MUSA tulad mo'y patak ng ulan sa aking munting katawan tulad mo'y init ng araw sa panahong anong ginaw tulad mo'y mga ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento