Miyerkules, Hunyo 26, 2019

Pagkatha

PAGKATHA

di ako ang tipo ng taong walang ginagawa
ayokong sa araw-gabi ako'y nakatunganga
nakatitig man sa kisame ay katha ng katha
isinasatitik ang kanilang inginangawa
bakasakaling makatulong sa inaadhika

- gregbituinjr.
* Nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal
na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang
Lungsod (KPML), isyu Hunyo 16-30, 2019, p. 20

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Payò sa tulad kong Libra

PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...