Biyernes, Enero 30, 2026

Tulâ 1 - Sa 5th Black Friday Protest ng 2026

TULÂ 1: SA 5TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026

dapat patuloy ang mga Black Friday Protest
dahil ang masa'y patuloy na nagagalit
dahil trapong sa pondo ng bayan nang-umit
ay dapat talagang managot at mapiit

di tayo dapat manahimik lang sa tabi
di dapat makalusot ang mga salbahe
patuloy pagningasin ang pusò ng api
hanggang mag-alab at sa bayan ay magsilbi

sistema'y baguhin, patuloy na sumulong
dapat mapanagot ang mga mandarambong
sa kaban ng bayan, TONGresman at senaTONG
pati mga kontrakTONG ay dapat ikulong

kung di tayo kikilos ngayon, aba'y sino?
tuwing Black Friday Protest, sama-sama tayo
panagutin ang mga korap sa gobyerno
at pagulungin ang kanilang mga ulo

- gregoriovbituinjr.
01.30.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Salamat sa Sagip Gubat Movement

SALAMAT SA SAGIP GUBAT MOVEMENT binili ko man kaya mayroon ng t-shirt, mahalaga'y ang misyon sa ekolohikal na proteksyon sa t-shirt man ...