Sabado, Nobyembre 15, 2025

Ihing kaypalot

IHING KAYPALOT

naamoy ko ang palot na iyon
habang lulan ng dyip tungong Welcome
Rotonda, kaytinding alimuom
na talaga ngang nasok sa ilong

sa pader, ihi'y dumikit dito
kaya pulos karatula rito
saanman magawi ay kita mo
may pinta: Bawal Umihi Dito

kayhirap maamoy ang mapalot
dahil sa ilong ay nanunuot
di pupwede sa lalambot-lambot
baka hinga'y magkalagot-lagot

dapat umihi pag naiihi
kung pantog puputok nang masidhi
subalit saan tayo gagawi
kung walang C.R. nang di mamanghi

kailan pa tao matututo
pader ay di ihiang totoo
upang di magkasakit ang tao
upang di labag sa batas ito

- gregoriovbituinjr.
11.15.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bahâ sa Luneta, 11.30.2025

BAHÂ SA LUNETA, 11.30.2025 bahâ sa Luneta ng galit na masa laban sa kurakot at lahat ng sangkot bumaha ang madlâ upang matuligsâ  yaong mga ...