DI ROLLS ROYCE ANG TATAK NG PAYONG KO
tag-ulan muli, kalsada'y bahâ
magpapayong pagkat kailangan
baka magkasakit pag nabasâ
maging Gremlins, dadami ka niyan
mabuti't may payong akong bago
ngunit kung pupunahin ng masa
di Rolls Royce ang tatak ng payong ko
kundi LIFE na kaiba kay Sarah
napanalunan ko lang ang payong
sa asembliya ng Green Convergence
nitong Setyembre, na nang umambon
sa pag-uwi'y agad kong nagamit
payong na ito'y di man binili
ay di galing sa salbahe't switik
payong na maipagmamalaki
di galing sa ghost flood control project
- gregoriovbituinjr.
10.03.2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento