Lunes, Oktubre 20, 2025

Ang pinakapahinga ko

ANG PINAKAPAHINGA KO

pinakapahinga ko na'y pagtulâ
at pagsagot ng krosword at sudoku
ganyan ang buhay ng abang makatâ
pag pagod na'y magpahingang totoo

kaya madalas may tulâ sa gabi,
madaling araw, umaga, tanghali
paraan din iyan ng pagsisilbi
sa masa't ang dusa'y di manatili

kayraming paksang dapat ilarawan
dapat sabihin o ipaliwanag
tulad ng mga isyu ng lipunan
na tunay namang nakapangangarag

tula'y pantanggal ng sama ng loob
o pakiramdam sakaling mayroon
paksa ma'y saya, tuwa, galit, kutob
mahalaga, pagtula'y isang misyon

- gregoriovbituinjr.
10.20.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Hapunan ko'y potasyum

HAPUNAN KO'Y POTASYUM taospusong pasasalamat sa nagbigay nitong potasyum tiyak na rito'y mabubundat bigay mula sa isang pulong dalaw...