Miyerkules, Hunyo 25, 2025

Likhang gripo sa bundok

 

LIKHANG GRIPO SA BUNDOK

tinusok lang sa pagitan ng bato
ang palapa ng saging, naging gripo
may panghugas na pag nag-isis tayo
ng mga pinggan, kawali, kaldero

tubig ay mula roon sa palayan
na pampalusog sa mga halaman
kung iinumin ito'y pakuluan
ingat at baka masira ang tiyan

kung magbabanlaw matapos maligo
sa ilog at matanggal yaong hapo
suliranin animo'y maglalaho
bagamat may problema pang naghalo

O, Kalikasan, salamat na tunay
sa lahat ng iyong mga binigay
salamat sa pinalago mong palay
upang bayan ay talagang mabuhay

- gregoriovbituinjr.
06.25.2025

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/18HGD36CUc/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kayrami pang digmang kakaharapin

KAYRAMI PANG DIGMANG KAKAHARAPIN kayrami pang digmang kakaharapin kayrami pang dagat na tatawirin kayrami pang bundok na aakyatin kayrami pa...