ANG AWTOR NA SI JUN CRUZ REYES AT AKO
(Alay sa World Poetry Day)
sa Megamall siya unang nakadaupang palad
nang ilunsad niya roon ang isa niyang aklat
higit isang dekada na pala ang nakalipas
muli kaming nagkita sa isa pang lunsad-aklat
matapos kong mapresenta doon sa entablado
bilang tagasalin ng isang mahalagang libro
pagbaba'y nginitian niya't kinumusta ako
buti't ako'y natatandaan pa niyang totoo
premyadong awtor ang magaling na si Jun Cruz Reyes
bagong aklat niya ang "Never Again, Never Forget"
habang tangan ko'y librong salin mula wikang ingles
salin ko'y "Pamumuhay sa Panahon ng Ligalig"
di siya nagsulat hinggil sa establisimyento
sabi niya sa akin, nagtuturo pa ba ako?
opo, sagot ko, sa mga maralita't obrero
bilang pultaym na tibak, patuloy ang pagkilos ko
sa kanya, ang mangingisda sa Manila Bay naman
ang mga isyu nila ang kanyang tinututukan
aniko, ispirasyon ko kayo sa kahusayan
ang inyong mga akda'y binabasa kong mataman
- gregoriovbituinjr.
03.21.2025
* litratong kuha sa Pagmayaw: Paglulunsad ng mga Bagong Aklat ng UP Press 2024 na ginanap sa UP, Marso 20, 2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento