ANG AKLAT NI KA DODONG
ang Notes from the Philippine Underground
tatlong daang higit ang pahina
na aklat ni Ka Dodong Nemenzo
ay nasa Philippine Book Festival
nagbutas pa ako ng tibuyô
nang mabili ang nasabing libro
ganyan ang aktibistang Spartan
kung gustong bumili, may paraan
presyo'y higit limang daang piso
sa booth ng UP Press puntahan n'yo
collector's item ko na ang libro
sa libreng oras babasahin ko
sa Philippine Book Festival, tara
maraming aklat kang makikita
basahin ang aklat ni Ka Dodong
may ningas kang matatanaw doon
- gregoriovbituinjr.
03.14.2025
* Ang Philippine Book Festival sa 4th Flr. ng SM Megamall ay mula Marso 13 hanggang 16, 2025.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Bahâ sa Luneta, 11.30.2025
BAHÂ SA LUNETA, 11.30.2025 bahâ sa Luneta ng galit na masa laban sa kurakot at lahat ng sangkot bumaha ang madlâ upang matuligsâ yaong mga ...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
MALIGAYANG IKA-82 KAARAWAN PO, DAD Dad, maligayang kaarawan po pagbati nami'y mula sa puso buong-buo't tigib ng pagsuyo pagmamahal y...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento