MAS MAKAPAL ANG BALAT NG TRAPO
kaytinding banat ni Pooroy sa komiks
siya'y para ring environmentalist
endangered na raw ang mga buwaya
ngunit corrupt politicians ay di pa
balat daw ng buwaya ay makapal
magandang pangsapatos, magtatagal
mas maganda raw ang balat ng trapo
mas makapal, di pa endangered ito
kung babasahin mo'y pulos patama
di lang patawa, mayroong adhika
ang masapol kung sinong masasapol
marahil pati sistemang masahol
natawa man tayo ngunit mabigat
totoo sa buhay ang kanyang banat
- gregoriovbituinjr.
02.03.2025
* mula sa pahayagang Remate, Pebrero 3, 2025, p.3
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Hapunan ko'y potasyum
HAPUNAN KO'Y POTASYUM taospusong pasasalamat sa nagbigay nitong potasyum tiyak na rito'y mabubundat bigay mula sa isang pulong dalaw...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
MALIGAYANG IKA-82 KAARAWAN PO, DAD Dad, maligayang kaarawan po pagbati nami'y mula sa puso buong-buo't tigib ng pagsuyo pagmamahal y...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento