Lunes, Nobyembre 25, 2024

Tabletas

TABLETAS

kailangan ng tabletas
na ipainom kay misis
sa noo ko'y mababakas
ang kanyang ipinagtiis

alas-sais ng umaga
tabletas na'y iinumin
pagkatanghali'y meron pa
hapon hanggang takipsilim

tuloy ang pangangalaga
kahit na kulang ang tulog
mahalaga'y may magawa
nang si misis ay lumusog

sana'y bumuti ang lagay
at lumakas siyang tunay

- gregoriovbituinjr.
11.25.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano ang lihim ng kalihim o sekreto ng sekretaryo?

ANO ANG LIHIM NG KALIHIM O SEKRETO NG SEKRETARYO? ano nga ba ang inililihim ng kalihim, o ng sekretaryo? salitang sadyâ bang isinalin ng dir...