Miyerkules, Oktubre 16, 2024

22 Gintong Medalya, nakamit ng Pinoy

22 GINTONG MEDALYA, NAKAMIT NG PINOY

sa Japan, nakalabing-anim na gintong medalya
at nakaanim na ginto naman sa South Korea
kahanga-hanga ang mga Pilipinong atleta
sa kanilang isports o larangang nilaro nila

nakibaka sa Japan sa isports na jiu-jitsu
at lumaban sa South Korea sa isports na sambo
parehong martial arts ang dalawang isports na ito
talagang dapat mautak at malakas ka rito

mula sa bansang Brazil ang jiu-jitsu na iyon
ito'y pambubuno at sa sahig ka itatapon
ang sambo naman ay mula sa dating Sobyet Unyon
pinaunlad na combat ng Soviet Red Army noon

gayunman, tangi naming masasabi'y pagpupugay
at sa ibang bansa, pinakita ninyo ang husay
sa bagong mapa ng isports, ating bansa'y nilagay
kaya sa inyong lahat, mabuhay kayo! Mabuhay!

- gregoriovbituinjr.
10.16.2024

* Ulat 1: 16 na Gold Medals, Inani ng Jiu-Jitsu Jrs. sa Japan
* Ulat 2: Sambo Nat'l Team, naka-6 na Ginto sa South Korea
* ang dalawang ulat at litrato ay mula sa pahayagang Bulgar, Oktubre 16, 2024, p.12

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang kadakilaan, ayon kay Mike Tyson

ANG KADAKILAAN, AYON KAY MIKE TYSON  dalawang larawan ang naroong ipinakita si  Floyd Mayweather  na bodyguard ang mga kasama at si  Manny P...