Martes, Hulyo 23, 2024

Pagpupugay sa pagwawagayway

PAGPUPUGAY SA PAGWAWAGAYWAY

isang karangalang mabidyuhan
ang pagwawagayway ng bandila
ng samutsaring mga samahan,
ng guro, obrero, masa, dukha

na ginawan ko ng pagpupugay
at tulang makabagbag-damdamin
sumusuot sa kalamnang taglay
at yaring puso'y papag-alabin

binanggit ng tagapagsalita
sa rali yaong mga pangalan
ng mga samahang ang adhika
itayo'y makataong lipunan

sa kanila, mabuhay! MABUHAY!
iyan ang tangi kong masasabi
taaskamao pong pagpupugay
sapagkat sa masa'y nagsisilbi

mabuhay kayo, mga kasama!
kayong tunay naming inspirasyon
para sa karapatan, hustisya
at lipunan nating nilalayon

- gregoriovbituinjr.
07.23.2024

* bidyong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa SONA, 07.22.2024

^ ang bidyo ay mapapanood sa: https://www.facebook.com/reel/1143756510213675

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

8-anyos, wagi ng 9 na medalya sa swimming

8-ANYOS, WAGI NG 9 NA MEDALYA SA SWIMMING isang magandang bukas yaong ating matatanaw sa napakabata pang si Ethan Joseph Parungao limang gol...