SIKAT NA ANG PANDESAL
madalas kong bilhin tuwing umaga
ay diyaryo at pandesal tuwina
kinaugalian ko na talaga
na pagkagising, iyan ang kasama
kanina, pagbuklat ko ng balita
pandesal pala'y sikat sa banyaga
kaya ngayon naglalaro ang diwa
bilang papuri, tula ay kinatha
O, pandesal, lagi naming agahan
nasa Top 40 World's Best Bread Roll naman
sikat na ang paboritong agahan
tumanyag na ang pandesal ng bayan
pagpupugay sa sikat na tinapay
lasang Pinoy, malinamnam na tunay
pag may pandesal, loob ko'y palagay
madalas kasama sa pagninilay
- gregoriovbituinjr.
06.11.2024
* ulat mula sa pahayagang Abante, Hunyo 11, 2024, p.8
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Naharang bago mag-Mendiola
NAHARANG BAGO MAG-MENDIOLA naharang bago mag-Mendiola matapos ang mahabang martsa mula Luneta sa MaynilĂ araw ng bayaning dakilĂ subalit di ...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
MALIGAYANG IKA-82 KAARAWAN PO, DAD Dad, maligayang kaarawan po pagbati nami'y mula sa puso buong-buo't tigib ng pagsuyo pagmamahal y...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento