TANONG
ngayon po'y nais ko lang magtanong
sa mga talagang marurunong
pag-unlad ba'y paano isulong
kung kahulugan nito'y paurong
matatawag nga bang kaunlaran
kung sinisira ang kalikasan?
nagtayo ng tulay at lansangan
nagpatag naman ng kagubatan
bundok na'y kalbo sa pagmimina
mga puno'y pinagpuputol pa
negosyante'y tumaba ang bulsa
subalit hirap pa rin ang masa
sangkaterba ang ginawang plastik
na laksang tubo ang ipinanhik
ngunit plastik sa dagat sumiksik
sapa't ilog, sa plastik tumirik
anong klaseng pag-unlad ba ito?
progreso ba'y para lang kanino?
anong pag-unlad ba ang totoo?
kung nawawasak naman ang mundo?
sa pag-unlad, anong inyong tindig?
kung sira na ang ating daigdig
kanino kaya kayo papanig?
tanong ba'y unawa ninyo't dinig?
- gregoriovbituinjr.
04.14.2023
Biyernes, Abril 14, 2023
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Lungad
LUNGAD Labingtatlo Pahalang: Pagsuka ng sanggol anim na titik, at ang lumabas na sagot: LUNGAD , salitang ngayon ko lamang nasapol bago lang...

-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
GINAWA KO RING TIBUYÔ ANG BOTE NG ALKOHOL kaysa maging basurang plastik, aking inihatol na gawin ko ring tibuyô ang bote ng alkohol wala...
-
Litrato mula sa internet. CTTO (Credit to the owner). MULA SMOKEY MOUNTAIN HANGGANG HAPPY LAND Munting saliksik at sanaysay ni Gregorio V. B...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento