DILAMBONG
anong inam ng nasaliksik kong salita
na natagpuan ko lang nang di sinasadya
agad nilitratuhan upang di mawala
sa isip ang dapat ibahagi sa madla
lalo't mahalagang salita sa pagtula
na nangangahulugan ng magandang wika
mula sa "dila nga maambong" ang salita
Hiligaynon pala ang nasabing kataga
sagisag din ng kataas-taasang diwa
at damdamin, kahulugan ngang tumatama
sa pagkatao't nakapagbibigay-sigla
pagsabi rin ng kapuri-puring salita
dilambong ang hagilap ng mga makata
upang mapahusay pa ang kanilang katha
- gregoriovbituinjr.
04.08.2023
* litrato mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 289
Sabado, Abril 8, 2023
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Huwag magyosi sa C.R.
HUWAG MAGYOSI SA C.R. ang paalala'y napakasimple: "Please no smoking. (Huwag magyosi.) Fire alarm may trigger." sisirena an...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento