Miyerkules, Marso 29, 2023

Wanted: Pusa

WANTED: PUSA

kaytindi ng pagmamahal sa kanyang pusa
marahil mayaman yaong nag-aalaga
aba'y tatlumpung libong piso ang pabuya
sa makakita sa pusa niyang nawala

sino kayang magkakainteres maghanap
sa pusang kung saan-saan na hinagilap
baka hanapin mo kung ikaw ay mahirap
sa pabuya pamilya'y kakaing masarap

aba'y talagang pinaskil pa ang litrato
wanted! may pabuyang tatlumpung libong piso
magtago na kung may kasalanang totoo
ngunit ito'y pusa, di kriminal na tao

- gregoriovbituinjr.
03.29.2023

* kuha ang litrato sa isang pader ng mga karinderya sa tapat ng SM Fairview

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Payò sa tulad kong Libra

PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...