Sabado, Nobyembre 26, 2022

Sa lansangan

SA LANSANGAN

di ko matanaw ang nasa kabila
naroon kaya ang mga dakila
anumang pasakit ba'y naiinda
pagkat sa harap ng problema'y handa

subalit hindi, kayraming kuhila
ang nasa tuktok, tila pinagpala
nagsasamantala sa manggagawa
kontraktwal na nga, sahod pa'y kaybaba

habang naroroong nakatulala
maaliwalas pa rin yaring mukha
toreng garing man ay wala sa lupa
mistula pa ring di kaawa-awa

patuloy sa pagwawala ang siga
sa bangketa ng mga walang-wala
nagbabakasakaling may mapala
sa iaabot ng takot na madla

- gregoriovbituinjr.
11.26.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Payò sa tulad kong Libra

PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...