Martes, Nobyembre 15, 2022

Pindot mo, hinto ko

PINDOT MO, HINTO KO

simpleng bilin ng tsuper
ang "Pindot Mo, Hinto Ko"
nasusulat sa banner
para sa pasahero

huwag lang kalimutang
pamasahe'y ibigay
pagkat sa pupuntahan
ay hinatid kang tunay

di ba sapat ang "para"?
kaya iyon ginawa
pindot lang ay sapat na?
at titigil nang sadya

isang bagong pakulo?
o kaya'y nabibingi?
pindot lang at hihinto
kahit di na magsabi

- gregoriovbituinjr.
11.15.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Payò sa tulad kong Libra

PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...