Martes, Oktubre 11, 2022

_abag

_ABAG

tulong daw sa Sebwano ay abag
alitan at suntukan ay babag
hangin sa tiyan naman ay kabag
pakiramdam ng awa ay habag
di pagsunod sa batas ay labag
paggutom sa kakatayi'y tabag
at tunog ng paghakbang ay yabag

- gregoriovbituinjr.
10.11.2022

abag - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1
tabag - mula sa UPDF, p. 1195

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Payò sa tulad kong Libra

PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...