PAGKANSELA AT HINDI
sigaw ng dukha: "Itigil ang kanselasyon
ng kontrata sa pabahay at relokasyon!"
sigaw ng isa pa: "Dapat na'y kanselasyon
ng ilehitimong utang ng bansa ngayon!"
dalawang panawagan, magkaibang isyu
na dapat maunawaan nating totoo
isa'y may bantang ebiksyon sa mga tao
isa'y ang pambansang utang na lumolobo
dalawang isyung dapat nating mapagnilay
na kinabukasan ang tatamaang tunay
isa'y hinggil sa karapatan sa pabahay
isa nama'y hinggil sa pabigat sa buhay
panawagang dapat tayong makibahagi
kundi'y walang bahay at bansa'y malulugi
tulungan ang mga dukhang maduduhagi
ilehitimong utang ng bansa'y mapawi
- gregoriovbituinjr.
08.11.2021
* litratong kuha ng makatang gala noong SONA 2021
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tungkulin nating di manahimik
TUNGKULIN NATING DI MANAHIMIK batid mo nang korapsyon ang isyu ng bayan subalit pinili mong manahimik na lang huwag makisali sa rali sa lans...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
MALIGAYANG IKA-82 KAARAWAN PO, DAD Dad, maligayang kaarawan po pagbati nami'y mula sa puso buong-buo't tigib ng pagsuyo pagmamahal y...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento