oo, dati'y lagi akong sa sulok nagmumukmok
pagkat isa akong loner na masaya sa sulok
ngunit di mapakali sa isyung nakalulugmok
kaya nagpasyang lumabas ng lungga't makilahok
akala ko, tulad ko'y binabaon lang sa limot
hanggang aking maunawaan ang lipunang buktot
bakit at anong nangyayari sa pasikot-sikot
bakit ba may lumalaban sa sistemang baluktot
nais mag-ambag ng tulad kong loner, natanto ko
baka paunti-unti'y umaliwalas ang mundo
na binatay din sa danas bilang dating obrero
sinasahuran noon upang gawin ang produkto
subalit dahil sa lockdown, sa sulok ay bumalik
nagmukmok na naman, gayunman, narinig ang hibik
ng kapwa dukha, kaya kumilos at sinatitik
ang mga isyu pagkat pluma'y di rin matahimik
- gregbituiinjr.
Biyernes, Hulyo 10, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Payò sa tulad kong Libra
PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
SONETO SA MUSA tulad mo'y patak ng ulan sa aking munting katawan tulad mo'y init ng araw sa panahong anong ginaw tulad mo'y mga ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento