sa akin, ang pagkain na'y para lang gasolina
kailangan mo na lang ito upang lumakas ka
tumikim pa ng ibang putahe'y di na masaya
basta kung ano ang nandyan, iyon ang kainin na
patakaran ko na lang sa ulam ay murang presyo
at di kung masarapan ba ako sa lutong ito
medyo matabang, o maanghang man, kakainin ko
upang matapos na't magawa ang ibang proyekto
huwag mo na akong tanungin anong kakainin
kung tuyo ang mura, iyon ang aking uulamin
kung may talbos sa paligid, iyon ang lalagain
basta anong kaya ng bulsa, iyon ang lutuin
kahit araw-araw akong adobong porkchop, ayos lang
araw-gabi mang tuyong hawot o kangkong, okay lang
basta mabusog, ito na ang bagong patakaran
kumain upang may panggasolina ang katawan
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Patuloy lang sa pagkathâ
PATULOY LANG SA PAGKATHÂ patuloy ang pagsusulat ng makatang nagsasalat patuloy na magmumulat upang isyu'y sumambulat patuloy na kumakath...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
SONETO SA MUSA tulad mo'y patak ng ulan sa aking munting katawan tulad mo'y init ng araw sa panahong anong ginaw tulad mo'y mga ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento