di dapat magtila malamig na bangkay ang tula
dapat buhay na buhay ito sa babasang madla
aralin ang tono, imahe, pagsalita't wika
may talinghaga ba sa babasang makakagitla
o tahimik lang nanamnamin ang bawat kataga
ang tula'y di dapat magtila malamig na bangkay
na pag binabasa'y damang walang kabuhay-buhay
sa presentasyon ng tula'y dapat napagninilay
tulad ng sigaw mo pag biglang umuga ang tulay
pagbigkas pa lang o pagbabasa'y bigay na bigay
kaya madalas may inspirasyon din sa pagtula
ngunit mas mahalaga'y perspirasyon sa pagkatha
pag-isipan bawat saknong, taludtod at salita
at huwag basta-basta bira ng birang tulala
pagkat nililikha mo'y panghabambuhay na akda
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ikalawang death monthsary ni misis
SA IKALAWANG DEATH MONTHSARY NI MISIS ay, napakabata pa ni misis sa edad na apatnapu't isa nang nagka-blood clot, venous thrombosis at s...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento