tanong ng pamangkin ko, bakit notbuk pa'y dala ko?
sa loob ng kubeta gayong maliligo ako
sagot ko, baka may maisip, isulat na ito
panahon din ng pagkatha ang pag-upo sa trono
binasa ko sa kanya ang tula ko sa pagkusot
na sa sinumang babasa'y di ko ipagdaramot
marahil ganyan talaga ang utak ko kalikot
kumakatha sa anumang sitwasyon sa palibot
kahit umaandar ang dyip, kwaderno't pluma'y handa
upang isulat yaong biglang pumasok sa diwa
sa L.R.T. man, barko o eroplano'y kakatha
sa anumang lugar, ang pluma ko'y magsasalita
ganyan nga, na kahit sa kubeta'y dala ang notbuk
upang uriratin ang mga dinanas at dagok
upang usisain bakit may mga di maarok
upang isulat ang samutsaring laman ng tuktok
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa lugar-lagdaan
SA LUGAR-LAGDAAN balang araw ay uupo rin ako sa lugar-lagdaan ng mga libro naming sinulat, nobelang totoo o kaya'y ng tula'...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
SONETO SA MUSA tulad mo'y patak ng ulan sa aking munting katawan tulad mo'y init ng araw sa panahong anong ginaw tulad mo'y mga ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento