unang araw ng Hunyo nang makitang napisa na
ang labing-isang itlog na nilimliman ng ina
halos apat na linggo ring sinubaybayan siya
buti't nagawa agad ang bagong tahanan nila
ah, nakakatuwang may bagong mga alagain
na sa panahong lockdown ay pagtutuunang pansin
kaya agad silang ibinili ng makakain
at nilagyan ng tubig upang di sila gutumin
ito ang ikalawang pagkakataong nangitlog,
nilimliman at napisa ng inahin ang itlog
ibang anak niya'y malalaki na't malulusog
ngayon, may labing-isang sisiw siyang iniirog
nawa'y magsilaki silang malakas at mataba
subalit mag-ingat sila sa mga pusang gala
magkaisa sila't huwag ring basta magpabaya
nang sa bayan ay may madulot din silang ginhawa
- gregbituinjr.
06.02.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Banner ng TFDP
BANNER NG TFDP nakasakay akong dyip puntang pagamutan tinatakang banner sa Kamias nadaanan TFDP iyon, agad kong kinodakan naghahanda na sa ...
-
PAGPUPUGAY SA PAGWAWAGAYWAY isang karangalang mabidyuhan ang pagwawagayway ng bandila ng samutsaring mga samahan, ng guro, obrero, masa, duk...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento