Soneto ngayong Mayo Uno
Ngayong Mayo Uno, taas-kamao sa obrero
Ginagawa ninyo'y dapat lamang bigyang-saludo
Ang bumubuhay sa ekonomya ng bansa'y kayo
Yinayari ninyo'y tunay ngang para sa progreso
Oo, ngayong Mayo Uno, paggawa'y ipagdiwang
Na karapatan ng manggagawa'y dapat igalang
Gumigising sa umaga, nagtatrabaho hanggang
Makakaya, otso oras o may obertaym man lang
Asamin nating silang imortal ay maghimagsik
Yamang pinagsasamantalahan ng tusong switik
O, manggagawa, kayo'y magkaisa, aming hibik
Upang itayo ang lipunan ninyong natititik
Nawa, kahit lockdown, makita ang pagkakaisa
Organisadong manggagawa'y malakas na pwersa
- gregbituinjr.
05.01.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Litisin si Lustay
LITISIN SI LUSTAY ang sigaw ng marami: Impeach Lustay! hustisya sa taumbayan ang hiyaw! panawagan sa S.C.: Impeach Lustay! ayaw namin kung...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento