naninilip siya sa butas nang aking mahuli
ngunit di siya umaamin, walang sinasabi
upang malaman ang totoo'y sisilip din dini
upang magkasala rin ako't dalawa na kami
paano kung ako'y pagbintangan ding namboboso
o kaya'y nagmamanman siya't may ibang sikreto
depende marahil sa lugar o katayuan n'yo
kung matatakasan agad ang sitwasyong ganito
bakit nga ba may masasaya kapag naninilip
dahil ba pulos libog ang nadama't naiisip
o baka tumatayo na kapag nananaginip
kaya dapat ilabas ang kung anong halukipkip
sana'y walang mangyaring masama sa binosohan
sana'y hanggang silip na lang ang kanyang maranasan
huwag na sanang sumobra't lumampas sa hangganan
at panatilihin na lamang ang kapayapaan
- gregbituinjr.
Huwebes, Mayo 14, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Salamin sa mata
SALAMIN SA MATA dapat magsalamin habang nagtitipa doon sa kompyuter ng liham, sanaysay, ulat, kwento, tula ngunit pag nabasag o kaya'y n...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento