asahan mo, irog
ang aking pagluhog
puso'y dinudulog
pagsinta'y kaytayog
asahan mo, sinta
nasa puso kita
laging narito ka
buhay ko't lahat na
asahan mo, giliw
sa harana'y saliw
pagsinta't aliw-iw
na di magmamaliw
asahan mo, hirang
saka'y nililinang
upang huwag lamang
poste'y binibilang
alam mo, mutya
ng buhay kong dukha
pagsinta'y panata
at tunay na sumpa
asahan mo, liyag
puso kong binihag
mo'y naging panatag
salamat sa habag
asahan mo, mahal
pagsinta mang bawal
o pagsinta'y banal
kita'y magtatagal
- gregbituinjr.
Huwebes, Mayo 7, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Noli Me "Tangina"
NOLI ME "TANGINA" si Rizal daw ang idolo ng ama na hilig magtungayaw o magmura inakda raw ay Noli Me "Tangina" komiks n...

-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
GINAWA KO RING TIBUYÔ ANG BOTE NG ALKOHOL kaysa maging basurang plastik, aking inihatol na gawin ko ring tibuyô ang bote ng alkohol wala...
-
Litrato mula sa internet. CTTO (Credit to the owner). MULA SMOKEY MOUNTAIN HANGGANG HAPPY LAND Munting saliksik at sanaysay ni Gregorio V. B...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento