anong dapat gawin sa panahon ng mga epal?
silang laging pumapapel, umeepal ang kupal
upang pangalan nila'y umingay, upang mahalal
sa sunod na eleksyon gayong ito pa'y matagal
ganyan nga talaga kung umepal ang pulitiko
dahil sa layon nilang muli o baka maboto
kahit di pa kampanyahan, kanya-kanyang estilo
nangungunyapit kahit sa patalastas ang trapo
artista'y nais magpulitiko't dinggin ng masa
pulitiko'y nais mag-artista, ang saya-saya
nananalo ba dahil lang nagsayaw, nagpakwela
ngunit magbubutas lang ng bangko pag nahalal na?
sa panahon ng mga epal, huwag lang tumanghod
suriing mabuti sinong talagang maglilingkod
sa bayan, kapakanan ng masa'y itataguyod
di ang trapong itutulak tayo sa pagkalunod
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Hibik ng dalita
HIBIK NG DALITA ako'y walang bahay walang hanapbuhay ilalim ng tulay ang tahanang tunay di ko na mabatid paano itawid ang buhay ko'y...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento