Magtanim sa latang walang laman
halina't kita'y magtanim sa latang walang laman
upang binhi'y di malunod, atin munang butasan
ang ilalim ng lata, nang tubig ay may labasan
saka lagyan ng lupa ang latang ating tatamnan
kaygandang gamitin ang latang di na binasura
kundi ginawang paso, pinagtaniman ng okra
petsay, talong, sitaw, alugbati, munggo, mustasa
magandang ilipat sa malaki kung lumago na
minsan, maging magsasaka tayo kahit sa lungsod
habang simpleng pamumuhay ang itinataguyod
kung kailangan, may mapipitas ka't makakayod
masarap ang may sariling tanim, nakalulugod
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Gatasan ng sakim?
GATASAN NG SAKIM? 'ghost' flood control projects, / gatasan ng sakim? kaya pag nagbaha'y / karima-rimarim gumamit ng pondo'y...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
SONETO SA MUSA tulad mo'y patak ng ulan sa aking munting katawan tulad mo'y init ng araw sa panahong anong ginaw tulad mo'y mga ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento