Kung bakit ba palaging maaga akong gumising
kung bakit ba palaging maaga akong gumising
aba'y nakakagutom kaya maagang magsaing
itutula rin ang ulat mula sa pagkahimbing
kakathain ang diwa ng bayaning magigiting
nagigising sa madaling araw upang kumatha
hinggil sa samutsaring isyu't problema ng madla
itong bayan ba'y paano kakamtin ang ginhawa
kundi sa masisipag na kamay ng pinagpala
mabuhay ang lahat ng manggagawa't magsasaka
sila ang totoong bumubuhay sa ekonomya
mabuhay din ang maralitang marunong magtinda
na nabubuhay ng marangal para sa pamilya
sila ang karaniwang paksa ng katha kong buhay
pati sinelas, saging, sisiw, karaniwang bagay
sa tuwina, diwa'y kung saan-saan naglalakbay
upang mahanap ang sagot sa bawat naninilay
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Laro sa app game ng selpon
LARO SA APP NG SELPON habang nagbabantay sa ospital sa selpon ay naglalaro ng app nang di mainip o matigagal madaling araw o gabing ganap p...
-
PAGPUPUGAY SA PAGWAWAGAYWAY isang karangalang mabidyuhan ang pagwawagayway ng bandila ng samutsaring mga samahan, ng guro, obrero, masa, duk...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento