Itapon ng wasto ang basura mo!
O, kaygandang masdan ng malinis na basurahan
lalo na kung kapaligiran ay ating tahanan
paano pa kung ang bansa ang ating dinumihan
para mo na ring dinumihan ang iyong tirahan
ituring natin ang buong bansa'y tahanan natin
pag bahay mo'y marumi, di ba't naiinis ka rin
kaya ang agad mong gagawin, ito'y lilinisin
lalo ang maruming paligid, nakakadiri din
kung bansa ay tahanan, di mo dudumihan ito
kung itatapon ko ang basura ko sa bahay mo
di ba't magagalit ka, dahil ito na'y insulto
kaya basura'y itapon sa basurahang wasto
huwag sa kalsada itapon ang busal ng mais
balat ng kendi'y ibulsa, huwag basta ihagis
pinagkainan mo'y dapat malinis na maimis
at huwag hayaan sa langaw ang mga napanis
ang nabubulok at di nabubulok na basura
ay dapat alam mong paghiwalayin sa tuwina
lalo na sa panahong tayo'y nasa kwarantina
may naghahakot ng basura, tulungan na sila
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Patuloy lang sa pagkathâ
PATULOY LANG SA PAGKATHÂ patuloy ang pagsusulat ng makatang nagsasalat patuloy na magmumulat upang isyu'y sumambulat patuloy na kumakath...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
SONETO SA MUSA tulad mo'y patak ng ulan sa aking munting katawan tulad mo'y init ng araw sa panahong anong ginaw tulad mo'y mga ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento