nagmumukhang pera, nawawala ang pagkatao
ganyan pala ang asal ng isang kakilala ko
"perahin mo na lang iyan" ang bukambibig nito
gayong inalok ng pagkain ng kanyang amigo
pabiro mang sambit, tila walang delikadesa
"perahin mo na lang" ang laging sinasambit niya
pabiro man, nakakasira rin ng araw siya
gayong seryoso ang alok ng pagkain sa kanya
ang kakilala ko bang ito'y isang pataygutom
na kahit pabiro, ang pagkatao'y nilululon
tila sa salapi'y naglalaway animo'y leyon
na agad sasagpangin sinumang kaharap niyon
"perahin mo na lang" kahit gaano ka kahirap
ay huwag mong sasambitin sa sinumang kaharap
maliban kung bato ang sa iyo'y pinatatanggap
tama lang kaysa perang naging bato ang malasap
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Low carb diet, tula 2
LOW CARB DIET, TULA 2 mabigat sa tiyan / at nakabubusog kahit walang kanin / ay di mangangatog aba, kagabi nga, / kaysarap ng tulog tila nan...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento