paano ba popondohan ang sariling pagkilos?
bakit ba ang maglulupa'y lagi nang kinakapos?
karukhaan pa rin ba ang sa atin umuulos?
dalita'y inspirasyon ba sa pagkilos ng lubos?
sa samahan, di sapat ang tumanggap lang ng butaw
at di nito kayang pondohan ang bawat mong galaw
sa kabila nito, prinsipyo'y di pa rin malusaw
kikilos at kikilos kahit lumubog ang araw
upang may panggastos, dapat pa bang magpaalipin?
matapos ang trabaho saka misyon ay gagawin
sariling kilos ay pondohan, ito ang layunin
upang magampanan ang sinumpaang adhikain
pondohan ang sariling galaw, ito'y ginagawa
hanap ay pagkakakitaang sakbibi ng luha
at magkayod-kalabaw upang kumita ng lubha
dapat walang humpay sa pagkilos ang maglulupa
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sampung araw na notice bago idemolis
SAMPUNG ARAW NA NOTICE BAGO IDEMOLIS O, maralitang kaytagal nang nagtitiis sa iskwater na lagi nang naghihinagpis payag ka bang sampung araw...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento