tulad ni Yolanda'y kinatakutan siya
ngunit di siya si Yolandang nanalasa
tila bagyo'y mapanganib para sa masa
lalo't balita'y tulad siya ni Yolanda
maghahandang lumikas ang maraming tao
nang makaligtas sa parating na delubyo
makikipag-espadahan sa mga santo
upang patigilin ang nagbabantang bagyo
si Ursula'y dumating, laksa ang sinira
may nagsabing bumalik si Yolandang sigwa
pagkat naulit ang sa pamilya'y nawala
lalo't siya'y sakbibi ng lumbay at luha
tumitindi ang klima, bagyo'y bunabagsik
tila galit sa sistema't naghihimagsik
sa delubyo'y danas ang muling mangaligkig
at di mo na malaman kung saan sisiksik
- gregbituinjr.
Huwebes, Enero 9, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nilay
NILAY nakikibaka pa rin kahit ako'y gabihin kahit dito'y ginawin kahit walang makain tibak kaming Spartan ay patuloy sa laban nais n...
-
PAGPUPUGAY SA PAGWAWAGAYWAY isang karangalang mabidyuhan ang pagwawagayway ng bandila ng samutsaring mga samahan, ng guro, obrero, masa, duk...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento