Mabuti pa ang mga hayop
Di nagtatapon ng basura
Habang tao'y dapat maayop
Basura nila'y naglipana
Basurang plastik nakakain
Ng mga nilalang sa dagat
Upos nga'y lulutang-lutang din
Sa upos, isda'y nabubundat
Kinain ng tao ang isdang
Nabusog sa kayraming plastik
Nabundat din ang dambuhalang
Isdang yaong mata'y tumirik
Anong dapat gawin, O, Tao
Nang ganito'y di na mangyari
Tapon ng tapon lang ba tayo
Pagsisisi'y laging sa huli
- gregbituinjr.
* ayop - alipusta, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 95
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ngayong Araw ni Balagtas, nais kong magpasalamat
NGAYONG ARAW NI BALAGTAS, NAIS KONG MAGPASALAMAT ngayong Araw ni Balagtas , / nais kong magpasalamat sa lahat ng mga tulong / sa oras ng ka...

-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
Litrato mula sa internet. CTTO (Credit to the owner). MULA SMOKEY MOUNTAIN HANGGANG HAPPY LAND Munting saliksik at sanaysay ni Gregorio V. B...
-
GINAWA KO RING TIBUYÔ ANG BOTE NG ALKOHOL kaysa maging basurang plastik, aking inihatol na gawin ko ring tibuyô ang bote ng alkohol wala...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento