aba'y di ako de-kotse, paa lang ang gamit ko
laging naglalakad di lang dahil ito ang uso
di kasi elitista, dukha ang buhay sa mundo
isang mamamayang walang pag-aaring pribado
buti't walang kotse, di gagamit ng gasolina
walang luho sa katawan, gamit ko lang ay paa
upang marating ang pupuntahan, walang disgrasya
basta't maingat sa bawat tatawiring kalsada
dapat kumain ng bitamina, maging matatag
sa mahabang lakaran, mineral din ay idagdag
kumain ng tama nang katawan ay di matagtag
magpahinga rin paminsan-minsan nang di mangarag
tulad kong di de-kotse'y mamamasahe lang minsan
di bumili ng kotse upang buhay ay umalwan
sa organisador tulad ko, paa'y kailangan
pagkat magaan ang pagkilos sa paroroonan
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang pamanang nailcutter
ANG PAMANANG NAILCUTTER ang aking mga kuko'y kayhaba na pala kaya nailcutter ay agad kong hinagilap ang nailcutter pa ni misis yaong nak...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento