ANG TULAD KONG BOOKWORM (UOD NG AKLAT)
Ako'y isang bookworm, mahilig magbasa ng aklat
Kahit luma ang libro'y akin pa ring binubuklat
O kung bago man ay bibilhin ko agad sa book store
Yaring pagbabasa sa kaalaman ay promotor
Uod ng aklat, bookworm, katawagang kaysarap dinggin
Organisahin anong sa tuwina'y babasahin
Dunong na maaangkin ay magbibigay pag-asa
Nawa'y magamit sa pagpapakatao't hustisya
Gawin ang mabuti anuman ang nabasang ito
Awtor ding nagsulat ay kilalanin sinu-sino
Kayraming klasikong nobela't tulang mababatid
Laot man, mula sa kalupaan o himpapawid
Aklat ay mahalaga sa pagbubuo ng bansa
Tulad kong bookworm nawa'y may maitulong sa madla
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nilay
NILAY nakikibaka pa rin kahit ako'y gabihin kahit dito'y ginawin kahit walang makain tibak kaming Spartan ay patuloy sa laban nais n...
-
PAGPUPUGAY SA PAGWAWAGAYWAY isang karangalang mabidyuhan ang pagwawagayway ng bandila ng samutsaring mga samahan, ng guro, obrero, masa, duk...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento