nais kong bigkasin ang tula ko sa inyo
tulad ng agilang hinehele ng bagyo
o rosas sa harap ng sawing paruparo
o boksingerong ang mukha'y bugbog-sarado
nais kong bigkasin sa inyo itong tula
na handog sa bawat kapwang nagdaralita
na nagtitiis, lumalaban, lumuluha
upang kamtin ang karapatan at paglaya
tula'y kinatha upang sa inyo'y mabigkas
maging inspirasyon laban sa pandarahas
upang sumigla kayo'y lalo pang lumakas
tumatag ang paninindigan hanggang wakas
tula lang ang kaya kong ibigay sa inyo
habang iisa tayo tungong pagbabago
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kasaysayan at lipunan ay pag-aralan
KASAYSAYAN AT LIPUNAN AY PAG-ARALAN bayani nga'y nagbilin sa bayan: "matakot kayo sa kasaysayan walang lihim na di nabubunyag"...

-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento