lugmok na naman ako sa kawalan, di ko batid
kung bakit sa hangin ang diwa ko'y inihahatid
ng guniguning tila baga ako'y binubulid
sa banging anong lalim, sa kawalang di mapinid
animo ang sakit niya sa utak ko'y gumulo
nagugulumihanan sa kawalan ng sentimo
saan kukunin ang pang-operasyon ng misis ko
ang problema'y baka di makapagbayad sa dulo
madalas na ako ngayong tulalang naglalakad
buti't alisto pa ring di mabangga't napaigtad
nang sasakyan sa aking gilid ay biglang sumibad
tila baga ang iwing pagkatao'y naging hubad
mahirap ngang mangarap na buwan ang sinusuntok
ginhawa'y iniisip wala namang maisuksok
dapat magpakatatag sa kabila ng pagsubok
di dapat nakatunganga lang at basta malugmok
- gregbituinjr.
Miyerkules, Marso 13, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
NEGOSYO LABAN SA KALIKASAN Negosyo versus kapaligiran Negosyante versus kalikasan Dahil sa tubo, silang gahaman, Sa kapwa ay walang pakialam...
-
PAGLALAKBAY SA BÚHAY palakad-lakad, pahakbang-hakbang sa isang malawak na lansangan animo'y nagpapatintero lang sa maraming tao at sasak...
-
Di ko inugaling mangutang di ko rin naman naging ugali ang pangungutang sapagkat baka di ko maibalik ang hiniram wala akong kapasidad ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento