NILAY SA DIGMÂ
nananakop na ang imperyalistang bansâ
upang langis at yaman ng iba'y agawin
para sa kanilang pansariling interes
nag-iimbento ng rason upang mandigmâ
una nilang inatake ang Venezuela
nagbantang isusunod ang Cuba at Greenland
biglang-bigla'y inatake nila ang Iran
at ibang alyadong bansa'y niyayakag pa
armas pandigma ang pangunahing produkto
na pag walang digmaan ay walang bibili
imperyalista'y may silbi lang sa sarili
subalit panggulo pag nandigmâ na ito
wakasan ang gerang walang silbi sa atin
kundi kapritso lang ng makapangyarihan
tuunan ang pag-unlad at kapayapaan
anumang tinanim ang siyang aanihin
- gregoriovbituinjr.
03.21.2026
* mga litrato mulâ sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Marso 2, 2026, tampok na balità (headline) at pahina 2


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento