Lunes, Oktubre 6, 2025

Ako'y raliyista

AKO'Y RALIYISTA 

ako'y talagang raliyista
ng higit nang tatlong dekada
na laging laman ng kalsada
patuloy na nakikibaka
upang baguhin ang sistema

magbabago pa ngâ ba ako?
sistema'y binabago ako?
o sistema'y dapat mabago?
hustisya sana ang matamo
ng dukha't ng uring obrero

itatag ang lipunang patas,
may pagkakapantay, parehas
ikulong ang burgesyang hudas,
oligarkiyang talipandas,
dinastiya'y dapat magwakas

tulad kong tibak na Spartan
ay patuloy na lalabanan
ang mga mali't kabulukan 
upang makataong lipunan
ay maitatag nang tuluyan

- gregoriovbituinjr.
10.06.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tugon sa nabasa sa messenger

TUGON SA NABASA SA MESSENGER kaybigat ng walang pamasahe tulad na lang ng kanyang sinabi subalit kung ako, lalakarin ko iyon, kalsada'y ...