Linggo, Marso 23, 2025

Mura na ang apat na diksyunaryo

MURA NA ANG APAT NA DIKSYUNARYO

binili ko'y apat na diksyunaryo
na English-Tagalog ni Leo English
sa mga pamangkin ay panregalo
unang libro'y nabili ng Biyernes

at tatlo pa nito noong Sabado
National Book Store, Quezon Avenue lang
dating presyo'y animnaraang piso
siyamnapu't siyam na piso na lang

huling araw na ngayon, kaibigan
baka makahabol ka't makabili
pulos dayuhang libro karamihan
panitikang Pinoy bihira dini

diksyunaryong nabili'y mahalaga
malaking tulong sa mga pamangkin
magagamit sa pag-aaral nila
kahit di Pasko, may regalo na rin

- gregoriovbituinjr.
03.23.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tennis great Nadal, saludo kay Alex Eala

TENNIS GREAT NADAL, SALUDO KAY ALEX EALA matapos nitong talunin si Iga Swiatek pinuri ni Rafael Nadal si Alex Eala sabi ni Nadal,  "We ...