RAMBOLETRA
may nabuo sa ramboletra
mga salitang SOURCE at COURSE na
S at C ay nagsalitan ba
nilalaro pag nag-iisa
sa nilatag na mga titik
ilang salitang maiisip
o mabubuo mo ng sabik
na sa diwa mo'y nakasilid
nilalaro sa app ng selpon
tila iyan ay isang misyon
na sa diwa ko'y humahamon
paano masasagot iyon
salamat at may ganitong app
na sa puso'y nakagagalak
kung lalasahan mo'y masarap
parang alak na nakaimbak
- gregoriovbituinjr.
01.15.2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento