Biyernes, Pebrero 9, 2024

Nahintakutang kuting

NAHINTAKUTANG KUTING

oy, tingnan mo ang buntot ng kuting
tayung-tayƓ, nahihintakutan?
anong nakita't tila napraning?
daga ba o ahas ang kalaban?

reaksyon niya'y binidyuhan ko
kinatakuta'y di ko nakita
at siya'y napaatras nang todo
hanggang magtatakbo na talaga

nakita ba niya'y anong tindi?
at kailangan niyang umatras
iniligtas ang kanyang sarili
o baka sa silid ay may ahas?

na matagal nang nanahan doon
subalit di natin matagpuan
kuting lang ba'y nakakita niyon?
na kaagad niyang tinakasan?

- gregoriovbituinjr.
02.09.2024

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/q5WWAJnuIk/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa unang buwansaryo ng pagyao ng sinta

SA UNANG BUWANSARYO  NG PAGYAO NG SINTA nagiba ang lahat ng pangarap nagiba ang dibdib sa nalasap nagiba maging ang pangungusap nawala ang b...